Naranasan mo na ba ang makailang beses ka nang nag-apply pero hanggang ngayon ay wala ka pa ding tawag o text mula sa mga inapplayan mo? Pagod na pagod ka na ba sa kalalakad at kasasalita sa mga interview pero hindi ka pa din natatanggap? Baka kulang ka lang sa mga katangian o character traits na madalas hanapin ng isang kumpanya!

Ang lahat ng kumpanya ay may tinatawag na company standards pagdating sa pagtanggap ng mga aplikante para maging empleyado nila. Ang company standards na ito ay nagiging batayan nila sa pag-hire ng isang empleyado. 

Pero may mga kumpanya din naman na tumitingin lang sa mga character traits ng isang tao. Para sa kanila, ito ay sapat na. May iba't ibang tawag dito, pero ang pinaka-popular ay yung tinatawag nilang personality traits ng isang tao.

We are what we repeatedly do. Excellence then, is not an act, but a habit. – Aristotle

Ano-ano ba ang mga katangian o traits na madalas hanapin ng isang kumpanya pagdating sa mga aplikante? 

Madalas nating itanong sa ating sarili kung bakit hindi tayo tinawagan o naha-hire sa trabahong inapplayan natin. Minsan, tinatanong natin ang ating sarili kung may mali ba sa atin o may kulang ba? Ngayong araw ay malalaman mo na ang sikreto na hinahanap ng isang kumpanya sa mga aplikante!

Katangian ng Isang Mabuting Empleyado

Kung nais mong magpalit ng trabaho ngayon at mag-apply sa iba, isipin mo muna kung taglay mo ang mga katangiang hinahanap ng isang kumpanya. Kung mayroon ka nito sa iyong sariling sistema, sigurado akong madali kang matatanggap sa tamang kumpanya.
  • Attitude towards work. Ito ay tamang pag-uugali, pag-iisip, at pakiramdam ng isang empleyado pagdating sa kanyang trabaho. Madalas nakikita ito sa pagsasalita ng isang tao at sa kanyang performance sa trabaho. Tandaan, ang work attitude ang pinakaimportanteng trait o katangian sa lahat na madalas hinahanap ng isang kumpanya. Ang lahat ng susunod na katangian sa ibaba ay bunga ng isang magandang work attitude ng isang empleyado. 
  • Attendance Records. Ang isang empleyadong may magandang attendance track record ay hindi panghihinayangan ng isang kumpanya na i-hire o bigyan ng trabaho. Ang magandang attendance track record ay hindi nale-late at hindi pala-absent sa araw-araw ng pasok lalo na kung may importanteng trabaho o meeting ang kumpanya.  
  • Performance. Ang isang empleyadong may maayos at magandang work performance ay yung may magagandang attitude o pag-uugali pagdating sa trabaho. Sa madaling sabi, mahal ng empleyadong ito ang kanyang trabaho kaya maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin sa kumpanya. Sila din yung madalas ma-promote o mabigyan ng umento o salary raise dahil sa kanilang magandang kontribusyon sa pag-asenso ng kumpanya.
  • Work experience. May mga kumpanyang madalas mag-hire ng mga may work experience na. Kadalasan kapag urgent ang isang posisyon na bakante, walang oras ang kumpanya para magturo sa isang bagong empleyado kaya ang hanap ng mga ito ay yung mga nagtagal sa isang posisyon o sa isang kumpanya. Ang isang empleyadong nagtagal sa isang kumpanya ay may pagpapahalaga sa kanyang trabaho. 
  • Expertise sa Trabaho. Ang pagiging expert sa isang bagay ay importante din sa kailangan ng kumpanya. Minsan, hindi importante ang work experience sa larangang ito, expertise lang o kahusayan sa partikular na trabaho ang kailangan dito. So, maaari kaunti pa lang ang work experience mo pero sanay na sanay ka na sa trabahong inaapplyan mo, malaki ang chance na ikaw ay makuha sa trabaho.

Ang lahat ng katangiang nakalista sa itaas ay hindi absolute, ibig sabihin, hindi pare-pareho ang mga hinahanap ng bawat kumpanya. Pero kung sa tingin mo ang lahat ng iyan ay taglay mo, hindi malayong makahanap ka kaagad ng susunod mong trabaho kapag oras mo nang mag-apply.

Hanggang sa muli!