Simula nang mauso ang mga online shopping sa Pilipinas, madalas na tayong makabasa o makarinig ng mga kuwento ng mga taong naloko o na-scam sa nabili nila online. Ilan sa mga halimbawa ng mga panlolokong ito ay yung produktong inorder ay iba sa nai-deliver sa bahay nila, nag-downpayment na pero hindi dineliver yung produktong inorder online, produktong may damage nang dineliver sa iyo, at marami pang ibang mga kahindik-hindik na mga istorya na sa madaling salita ay naging biktima ng online shopping scam! Paano ba tayo magiging ligtas sa pagsa-shopping online?
When you make a choice, you change the future. - Deepak Chopra
Kung ikaw ay talagang bihasa sa online shopping, alam mo na kung paano talaga ang maging safe sa pakikipag-trasaksyon online. Pero kung ito ay ang iyong first time sa pamimili online, narito ang ilan sa mga dapat mong gawin upang ikaw at maging safe sa bilang isang matalinong online consumer o mamimili online.
Maging Ligtas sa Pag-Shopping Online!
Upang ikaw ay maging ligtas sa pamimili online, dapat mong tandaan ang mga sumusunod na hakbang:
- Huwag munang mag-"Add to Cart" agad. Bago mo pindutin ang button na yan, isipin mong mabuti kung kailangan mo ba talaga ang item na yang nakita mo makakapaghintay ka pa ng ilang panahon pa bago ito bilhin. Maaari mo itong balikan pagkalipas ng ilang araw at itanong kung sa sarili kung kailangan mo pa din ito o gusto mo lang siyang bilhin. Ang pinakamainam na rule ay pitong araw (7 days) muna ang palipasin mo bago mo talaga bilhin ang item na nakita mo online.
- Basahing mabuti ang description ng item. Maraming naloloko na mga online shopper kasi hindi nila binabasang mabuti ang description ng item na binebenta online. Marahil ay sobrang excitement kaya napa-click agad sila sa "Add to Cart" at hindi na nagbasa. Ang ending, sasabihin nila sa comment section na mali ang item na dumating sa kanila, pero in reality, wala namang nagbago sa description na nakasulat sa item, ikaw lamang ang hindi nagbasa. So, ugaliin mo munang basahin ang lahat-lahat na nakasulat bago ka mag-purchase.
- Ugaliing magbasa ng comments. Kadalasan, sa comments section tayo makakahanap ng sagot kung ayos ba ang binebentang produkto o kung okay ba talaga si online seller. Ang mga comments ng buyers ang nagsisilbing ratings ni online seller upang mapatunayan kung "legit" ba talaga ang produkto o si online seller mismo ay totoo at hindi fake.
- Bumili lamang ng item kung kaya mong bumili nito ng tatlong beses. Simple lang naman, kung worth P5,000 pesos ang isang item online na gustong gusto mong bilhin, siguraduhin mong may P15,000 ka muna (o halaga ng isang item times three) bago mo ito bilhin upang sa gayon ay madali kang makapag-desisyon agad at maiwasan mo muna ang gumastos. Sa ganoong paraan, maaaring mag-ipon ka muna ng P15,000 at ipagpaliban muna ang item na gusto mong bilhin online. Minsan, kapag dumating na ang oras na meron ka ng sapat na pera para sa tatlong item, maiisip mo din agad kung kailangan mo ba talaga itong item na ito o luho lamang.
- Iwasang ibigay ang iyong One-Time Pin (OTP) at mag-click ng mga kahina-hinalang links. Madalas na gamitin ngayon sa online selling ay ang mga cashless apps or linked online banking mo na nakakonekta sa iyong mobile phone o email. Iwasang ibigay ang iyong OTP sa mga kahina-hinalang chats o sa kung sino-sino lang, kahit na sa iyong kapamilya. Ang iyong OTP ay ang iyong security online para sa lahat ng iyong online financial transactions. Ano mang impormasyong nakapaloob sa iyong mobile banking ay maaaring makuha ng mga online hackers sa lalong madaling panahon. Laging tandaan, hindi kailanman itatanong sa iyo ng kahit na sinong empleyado ng bangko ang iyong OTP at hindi sila kailanman hihingi ng iyong impormasyon online.
Sa panahon ng "New Normal", bago na din ang pamamaraan ng pamimili. Ngunit tandaan, ang mga panloloko sa paligid ay nagbabago din. Matuto tayong maging mapag-matyag sa mga nangyayari sa paligid at sa online upang maging ligtas tayo lagi sa pamimili natin sa lahat ng oras!
Hanggang sa muli!
0 Comments