Matagal ko nang gustong magkaroon ng isang negosyo na sa tingin ko ay makakatulong sa akin at sa aking pamilya pagdating sa hinahangad naming "financial stability" o yung tinatawag na "financial freedom". Sa panahon ngayon, mahalaga ang meron tayong ibang mapagkukuhanan ng pera na hindi umaasa sa ating mga sweldo.

Aminin man natin o hindi, sino ba naman sa atin ang ayaw ng isang maginhawa o kung hindi man, ay maayos na pamumuhay? Marami na din ang nagpatunay na ang pagtatayo ng business o negosyo ay isa lamang sa mga epektibong paraan para makuha natin ang inaasam na "financial freedom".

>>> Tuklasin ang kaya mong gawin bago magsimula ng negosyo!

Ano ang Kailangan ng mga Tao sa Paligid Mo?

Bago ka pa mapagsimula ng sarili mong business o negosyo isipin mong mabuti kung may bibili ba ng produktong gusto mong i-offer sa mga tao sa paligid mo. Maaari mong itanong sa sarili mo kung balak mong magtayo ng business ngayon ay, "Ano ba ang kailangan ng mga tao sa paligid ko?" Isang tanong lang kung tutuusin, ngunit nangangailangan ng isang matinding imbestigasyon. 
  • Kailangan ba ng komunidad nyo ng isa pang alternatibong tindahan?
  • Kailangan ba ng compound nyo ng isang kainan?
  • Ano ba ang kailangan sa lugar nyo, barbero o parlorista?
  • Dapat mo na bang itayo na ang isang bakery sa barangay nyo?
  • Oras na ba para itayo mo ang inaasam mong clinic sa malapit sa inyo?
Ilan lamang yan sa mga tanong na maaari nating itanong sa ating sarili kung gusto ba talaga nating magtayo ng ating sariling negosyo. Isang bagay ang mabuting tandaan pagdating sa pagtayo ng isang business: walang ano mang negosyo kung walang namang bibili o tatangkilik ng produkto mo. Ngunit siyempre sa negosyo, pwede ka ding gumawa ng sarili mong mamimili o mga taong tatangkilik sa produkto mo. Pero sa ibang istorya na yun.

>>> Handa ka na bang magnegosyo? I-check ang mga resources mo dito!

Samantala, panoorin mo muna sa ibaba ang maikling video patungkol sa financial freedom mula sa youtube channel ni Chinkee Tan, isang kilalang financial adviser ng bansa.


Hanggang sa muli!