May pitong araw sa loob ng isang linggo, at pamilyar ka sa mga tawag sa kanila. Mapa-Lunes, Martes, o Miyerkules pa man yan, hanggang sa sumapit ang Linggo, alam na alam natin yang lahat dahil sa araw-araw na pagpapalit nito. Sa paglipas ng mga araw na paulit-ulit na nagbabago kada linggo, nakasanayan na natin silang isapuso at tandaan. Ngunit naisip mo na ba kung saan ba nagmula ang mga pangalan ng mga araw ng linggo?
After all, tomorrow is another day! --- Margaret Mitchell, author of Gone with the Wind
Kung ang dating sa inyo ng tunog ng mga pangalan ng linggo ay parang sa wikang Kastila, iyan ay dahil sa ang pangalan ng mga araw ng linggo ay ang epekto ng mahigit tatlong daang taon (more than 300 years) ng impluwensiya at pananakop sa atin ng mga Kastila dito sa Pilipinas. Sa pagdaan ng panahon, ang ilan sa mga pangalan ng araw na ito ay naiba ayon sa pagkakabigkas sa wikang Filipino.
Mga Pinagmulan ng mga Pangalan ng Araw
Ayon sa mga dalubhasa, ang mga araw ng linggo ay may mga pinagmulan pang mga bagay na hindi natin napapansin na kung ating iisipin at malalamn ay magkakaroon tayo ng mas malinaw na paliwanag. Narito ang mga pinagmulan ng pangalan ng mga araw ng linggo:
- Lunes o Monday. Ang salitang Monday ay sinasabing nagmula sa salitang "luna" o "moon" sa wikang Ingles. Ang Lunes ay ang madalas na ginagamit na batayan para sa unang araw ng linggo.
- Martes o Tuesday. Ang salitang Tuesday naman ay sinasabing nagmula sa isang sa mga naging panginoon ng digmaan (god of war) sa Mitolohiyang Norse na si Tyr (o ti-er kapag binigkas). Sa Romano naman, itinuturing si Mars bilang god of war kung saan nagmula ang salitang Martes.
- Miercoles o Wednesday. Sa Mitolohiyang Romano, kinikilala si Mercury bilang isa sa pinakamatatalinong panginoon sa relihiyong Romano. Sinasabing sa kanya nagmula ang salitang Miercoles sa wikang Kastila o Miyerkules sa wikang Filipino. Sa wikang Ingles, ang Wednesday ay nagmula sa banyagang salita na Wednesdei o "Araw ni Woden (o Odin, mula sa Norse Mythology)" na isang pang-relihiyong gawain ng mga sinaunang Anglo-Saxon.
- Jueves o Thursday. Ang salitang Thursday ay sinasabing nagmula sa araw ng paggunita sa god of thunder ng Norse Mythology na si Thor (Thor's day sa wikang Ingles). Ang katumbas ni Thor sa mga Romano ay si Jove o mas kilala sa pangalang Jupiter, ang god of thunder ng Roman Mythology. Mula dito umusbong ang araw ng Huwebes.
- Viernes o Friday. Sinasabing nagmula ang pangalang Viernes mula sa Roman goddess of love and beauty na si Venus. Sa kabilang banda, ang salitang Friday ay nagmula naman din sa Norse Mythology goddess of wisdom na si Frigg. Ang salitang Viernes ay ginawang Biyernes upang mas maintindihan ng mga Filipino.
- Sabado o Saturday. Ang salitang Sabado ay nagmula sa pangrelihiyong salitang sabbath na ang ibig sabihin ay day of rest and worship (araw ng pagpapahinga at pangingilin). Sa ibang relihiyon, sinasabing ang Dakilang Lumikha o Panginoon ay nagpahinga sa ikapitong na araw at nagdasal. Sa ibang bansa at sa ibang paniniwalang pangrelihiyon, itinuturing na ikapitong araw ang Sabado dahil nagsisimula ang araw nila ng araw ng Linggo o Sunday. Sinasabi naman na ang Saturday ay nagmula kay Saturn, isang Roman god of wealth.
- Domingo o Sunday. Sa wikang Kastila, ang Domingo ay sinasabing nagmula sa salitang Domenico na ang ibig sabihin ay "The Lord's Day" kung saan ito ay itinuturing na araw ng pahinga at pangingilin. Sa mga bansang Muslim ang relihiyon, ang Sunday ay itinuturing na unang araw ng linggo. Nagmula ito sa salitang Sun o araw. Tinawag namang Linggo ang Domingo dahil marahil mas naiintindihan ito ng mga Filipino noon kaysa sa paggamit ng Domingo.
Ang iba't ibang pinagmulan ng pangalan ng mga araw ng linggo ay dulot ng mga impluwensiya mula sa iba't ibang relihiyon at paniniwala ng mga nagdaang panahon na pinagsalin-salin na sa mga tao sa haba na din ng mga nagdaan mga henerasyon. Bilang pagtatapos, narito ang isang chart ng mga pangalan ng araw ng linggo na maaari mong magamit at pag-aralan.
Hanggang sa muli!
0 Comments