Okay, so ngayon nakapag-desisyon ka na na magtayo ng negosyo. Sa wakas ito na, abot-kamay mo na ang iyong pangarap. Ilang hakbang na lang at malapit mo nang buksan ang itatayo mong business. Pero ano nga ba ang susunod mong hakbang?
>>> "Know your craft" pagdating sa negosyo!
>>> "Know your craft" pagdating sa negosyo!
Kung ikaw ay talagang seryoso sa pagtatayo ng isang business, importante na meron kang tinatawag na puhunan o iyong tinatawag na initial capital. Marami kang maaaring mapagkunan ng iyong initial capital na pwede mong magamit sa iyong itatayong negosyo, at hindi lang ito lahat tungkol sa pera.
Some people dream of success, while other people get up every morning and make it happen. - Wayne Huizenga
May mga puhunan na tinatawag na tangible (nahahawakan) tulad ng utang sa bangko, sariling building, o bakanteng lote na pagmamay-ari mo at intangible (hindi nahahawakan) gaya ng tao na may skills (mason, barbero, parlorista) at social connection o isang magandang network (reliable friends o miyembro ng pamilya). Pero, ano-ano nga ba dito ang meron ka?
>>> Himayin ang mga kagustuhan ng tao sa paligid mo at gamitin itong negosyo, now na!
>>> Himayin ang mga kagustuhan ng tao sa paligid mo at gamitin itong negosyo, now na!
Checklist ng Resources Para sa Iyong Negosyo
Narito ang ilan sa mga resources o maaari mong gamitin para sa iyong itatayong negosyo.
- Supplier. May mga negosyong nangangailangan ng supplier para tumakbo ang negosyo. Halimbawa: supplier ng bigas kung magiging dealer ka ng bigas sa palengke, supplier ng tinapay kung magtatayo ka ng isang burger joint, supplier ng harina kung negosyong bakery naman ang balak mo. Importante ang supplier sa negosyo upang makamura ka sa mga raw materials na gagamitin mo. Tandaan, importante na hindi lang isa ang supplier mo.
- Puhunan o capital. Gaya ng nabanggit sa itaas, ano mang bagay na meron ka (lumang bote o garapon, cooking skills, pera, recipe ng lola mo, mabuting kaibigan, o bodega na hindi na ginagamit) ay maaari mong gamitin upang maging puhunan sa negosyo. Materyal man na bagay o hindi ay pwede mong magamit bilang puhunan. Ang kailangan mo lang ay maging creative sa paggamit sa mga ito.
- Koneksyon. Ano mang klaseng koneksyon o network na meron ka ay magiging malaking tulong para sa iyong business. Sila ay maaaring yung mga kaklase mo nung high school, mga dati mong kasamahan sa trabaho, yung 5,000 Facebook friends mo, yung mga tambay sa basketball court, o yung mga estudyanteng lumalabas sa school na malapit sa bahay nyo.
- Suporta. Sa pagtatayo ng isang negosyo, pinakaimportate sa lahat ang suporta lalo na sa mga taong pinakanagmamahal sa iyo. Suporta hindi lang dahil sa nagtayo ka ng negosyo at katulong mo sila sa pagpapalago nito, kundi suporta din na alam mong nandyan pa rin sila kung sakaling hindi ka nagtagumpay sa gagawin mong business.
Ang isang business ay hind dapat idaan sa swerte-swerte lang. Importante na alam mo ang pasikot-sikot ng negosyo at i-organize ang lahat ng nalalaman mo upang ikaw ay maging isang matagumpay na negosyante.
Hanggang sa muli!
0 Comments