Uso ngayong panahong ito ang mga tinatawag nating "Work From Home" o WFH. Bukod sa iwas traffic at stress, ang mga WFH na trabaho ay sinasabing magiging future of job opportunities ng bansa at ng buong mundo sa "new normal" na kakaharapin nating lahat. Ngunit paano ba maging isang "online content writer"?
Writing isn't about using big words to impress. It's about using simple words in an impressive way. - Sierra Bailey
Ang pagiging isang online content writer ay hindi basta basta. May mga requirements ito na hinahanap para maging qualified ka sa trabahong ito. Karamihan kasi sa mga kliyente ng isang online content writer ay mga kumpanyang naka-base sa Australia, Spain, USA, Singapore, at United Kingdom. Ibig sabihin, kailangan dito ang pagkakaroon ng isang maayos na paggamit ng English language.
Requirements Sa Pagiging Online Content Writer
Bukod sa maayos na pagsusulat at paggamit ng wikang Ingles, ng pagiging isang online content writer ay nangangailangan din ng iba't ibang skills upang maging matagumpay ka sa larangang ito. Narito ang ilan pa sa mga requirements sa pagiging Online Content Writer:
- Editing at Proofreading Skills. Importante na hindi ka lang magaling magsulat, dapat ay marunong ka ding mag-edit at mag-proofread ng iyong ginawa dahil ang mga kliyente mo sa ibang bansa ay hindi basta-basta pumapayag sa "ok na yan" at "makapagpasa lang" na trabaho gaya ng nakasanayan mo noong high school ka. Tandaan mo, bawat salita, pangungusap, at talata na ipapasa mo sa kanila ay bayad ayon sa kalidad ng iyong gawa.
- Different styles of writing. Ang pagsusulat ay may kanya kanyang writing style na tinatawag. May mga writing styles na nangungusap, ang iba naman ay nagkukuwento, samantalang ang iba naman ay nag-uutos o nagtuturo at marami pang iba. Ang isang online content writer ay kailangang alam ang iba't ibang klase o paraan ng pagsusulat upang hindi ma-bore ang iyong mga kliyente. Importante din ito para sa iyong versatility na din bilang writer.
- Wide variety of topics. Ang isang online content writer ay hindi lamang naka-focus sa iisang topic ng pagsusulat. Ikaw ay maaaring ma-assign sa iba't ibang larangan gaya ng sports, medicines, travel, news organizations, o online magazine depende sa pangangailangan ng iyong kliyente. May mga kakilala akong online content writer na nagsulat tungkol sa isang make up line na hindi naman niya ginagamit. Pero dahil yun ang assignment niya, sinulat pa din niya ito ng buong puso.
- Familiarity with different CMS platforms. Ang mga CMS o Content Management System platforms ay mga software applications o websites kung saan mina-manage ang lahat ng online content para mag-type, edit, at publish ng mga articles. Halimbawa nito ay mga WordPress-based o Joomla-based na CMS platforms. May mga kumpanya na gumagamit ng sarili nilang web content management system na direktang naka-connect sa mga kliyente nila. Importante lang naman na basic lang ang alam sa mga ito dahil may training naman pagdating sa paggamit ng mga CMS sa papasukan mo.
- Internet connection. Siyempre higit sa lahat, hindi ka magiging isang online content writer kung wala kang mabilis na internet connection. Halos lahat ng kumpanya ngayon ay sinusubukan ang tinatawag na contactless meeting o mas kilala sa videoconferencing para ibigay ang mga kanya-kanyang assignment ng mga online content writer. Kailangan din ng Internet para sa mga emails, pagpasa ng report, at iba.
Kung ikaw ay nais na mag-iba ng trabaho o career, ang pagiging online content writer ay isa sa mga magandang mapagpilian lalo na kung taglay mo naman ang mga nabanggit na requirements sa itaas. Bukod dito, may mga kumpanya din na mataas magbayad sa bawat article na ipapasa mo sa kanila. Ika nga nila, kumikita ka right at the comfort of your own home, stress free and traffic free!
Isa sa mga benepisyo ng pagiging isang online content writer na trabaho ay mapapabuti nito ang iyong English-writing skills at lalawak pa ang iyong English vocabulary! Pero iyan ay sa ibang istorya na.
0 Comments