Ang ating mundo ay puno ng MIXTURES. Ang hanging ating nilalanghap, ang iba't ibang uri ng tao sa ating pamayanan at lungsod, ang mga klase ng halaman at hayop sa ating paligid, at ang iba't ibang lahing Pilipino mayroon ang ating bansa ay maituturing nating isang MIXTURE. Lahat tayo ay "sangkap" ng isang MIXTURE --- iba't ibang klase, minsan pare-pareho, pero nabubuhay sa iisang mundo.

Sa pagkain naman, marami din ang maituturing nating MIXTURE. Ang fruit salad na gawa ni ate, ang masarap na ulam na Sinigang na Baboy na luto ni nanay, ang mainit na 3-in-1 coffee ni tatay, ang panghimagas na sapin-sapin na dala nina lolo't lola, at ang malamig na halo-halong merienda na kinakain n'yo ng bestfriend mo tuwing hapon --- lahat ng yan at marami pang iba ay matatawag nating MIXTURES

Life is a mixture of sunshine and rain, teardrops and laughter, pleasure and pain. Just remember, there was never a cloud that the sun couldn't shine through.


Ano ba ang isang MIXTURE?

Matatawag ang isang bagay na MIXTURE kung ito ay binubuo ng higit sa isang bagay na kapag pinaghalo ay makagagawa ng isang substance o sangkap. Ang mga hangin, uri ng tao, klase ng hayop at halaman, at mga pagkaing nabanggit sa itaas ay iilan lamang sa mga bagay na maituturing nating MIXTURE

Kaya mo bang tukuyin ang mga bagay o sangkap na pinaghalo-halo upang mabuo ang mga pagkain sa itaas? Isulat ang iyong sagot sa comment section sa ibaba!


Mga Uri ng MIXTURE

May dalawang uri ng MIXTURE: ang heterogeneous mixture, kung saan kapag ang higit sa isang bagay ay pinaghalo, ito ay maaaring paghiwa-hiwalayin gamit ang mga kamay at daliri. Halimbawa ng heterogenous mixture ay mga laruan sa isang kahon. 

Photo courtesy of Canva

Ang isang pang uri ng MIXTURE ay ang tinatawag na homogenous mixture, kung saan kapag ang dalawa o higit pang sangkap o bagay ay pinaghalo, ang mga ito ay makabubuo ng iisang iisang anyo. Halimbawa ng homogenous mixture ay ang strawberry milk shake na ito.

Photo courtesy of Canva

Kaya mo bang makapagbigay pa ng mga halimbawa ng heterogenous mixture at homogenous mixture? Isulat ang iyong comment sa ibaba.


Hanggang sa muli!