Ang paghahanap ng trabaho sa kasalukuyan ay unti-unting nagbago sa loob lamang ng 10 hanggang 15 taon. Sinasabing naging isang malaking factor sa pagbabago ng "landscape" sa trabaho ay ang matinding traffic na kinakaharap ng mga commuters at ang stress sa pagpasok pa lamang sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Ang mga "work from home" job opportunities ay ginawa upang maibsan ang stress dulot ng paghahanap o pagpasok sa trabaho.
...working from home is also a cheaper alternative for some BPO companies when it comes to marketing their brand or products, saving office electricity consumption, and cutting off some company costs and expenses. Other companies use the power of different workforce from home to improve their visibility on the Internet as well.
Pero siyempre, gaya ng iba pang normal na trabaho, hindi natin maituturing na madali lang ang mag-"work from home". May mga factors din na maaaring maging hadlang upang maging successful ang isang taong nais sumubok nito. Noong part 1, nakapagbigay na tayo ng ilang "work from home" jobs na maaari nating gawin sa bahay ngayong krisis. Narito pa ang ilan sa mga "work from home" na trabaho na maaari mong gawin upang gawing alternative source of income ngayong tayong lahat ay naka-lockdown.
Mga "Work From Home" Jobs na Maaari Mong Gawin!
- Foreign Language Translator. Needed: knowledgeable of different languages, sentence construction, reading and comprehension skills, at isang malaking understanding at comprehension na iyong ginagawang pag-translate.
- Electronics / Electrical Repair. Needed: different sets of repairing skills from electronic devices gaya ng cellphones at LED TV hanggang sa mga simpleng electrical appliances gaya ng radio o electric fan.
- Dressmaking / Tailoring. Needed: dapat marunong kang manahi, gumawa ng pattern, at siyempre color-scheme combinations.
- Social Media Manager. Needed: kaalaman sa paggamit ng Facebook, Twitter, or Instagram sa pag-market ng produkto o yung tinatawag na "boosting" ng isang post.
- Web Developer. Needed: website coding, familiarity with CMS platforms, html, photo editing skills, at ilang software at technical skills.
- Online Tutor / Teacher. Needed: expertise sa specific na bagay gaya ng pagtuturo ng Arts, Mathematics, English, Music, Baking, etc., online payment familiarity, at pwede ding video editing skills.
- Freelance Graphic Artist / Design. Needed: photo editing skills, fine tuning ng mga photos at artwork, drawing or illustrating skills, color scheme combinations, at a good set of network opportunities.
Kung sa tingin mo pa rin na ang pagtatrabaho sa isang magarang opisina o kumpanya ay ang tanging paraan upang ikaw ay kumita ng pera, maaaring pag-isipan mo pang mabuti ang kaya at pwede mo pang gawin. Sabi nga nila, "the world has literally changed a lot, and job opportunities out there also changed for the better". Pag-isipan mo.
Hanggang sa muli!
Hanggang sa muli!
0 Comments