Sa panahon ngayon, lalo na sa kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19, isang magandang oportunidad ang pagkakaroon ng trabaho o pagkakakitaan sa loob mismo ng inyong mga tahanan o iyong tinatawag na "work from home". Kailangan lang nating maging positibo sa lahat ng bagay na dumating upang hindi tayo mawalan ng pag-asa.

Ang lahat ng challenges sa buhay ay maaari nating ituring na isang oportunidad. Kailangan lang nating matutunan kung paano ito titingnan sa ibang perspektibo kung saan maaari natin itong pagkakitaan...

May iba't ibang klaseng "work from home" na trabaho at maaari ding ito ay para sa ating lahat. Ang listahan sa ibaba ay ilan lamang sa mga maaari ninyong gawin sa loob ng bahay upang kayo ay may mapagkakitaan. Alin dito ang alam mong gawin?

Mga "Work From Home" Jobs na Maaari Mong Gawin

  • Online Content Writer. Needed: familiarity with different online platforms, a good subject-verb agreement, writing skills, editing skills, at keen to details.
  • Product Distributor / Dealer. Needed: selling skills, charm, selling area, puhunan o capital, produktong ibebenta, at isang malaking network ng kakilala
  • Virtual Assistants. Needed: kaalaman sa mga specific na bagay o instruction gaya ng pagsasabi ng tamang directions, mga papeles o dokumento na kailangan para sa isang government transaction, online tech support, at marami pang iba.
  • Baker / Chef. Needed: baking o cooking skills, at business skills, marketing skills, o video editing skills.
  • Online Seller. Needed: selling skills, charms, trust confidence, delivery of items familiarity, at isang malaki at mapagkakatiwalaang network of friends at acquaintances.
  • Remote Headhunter. Needed: profiling ng tao or potential applicants, recruitment skills, at isang magandang network connection.
  • Financial Adviser. Needed: money education, self experience pagdating sa financial management, video editing skills, writing skills, at siyempre maraming pera o isang maayos na pamumuhay para kapani-paniwala.

>>> Tingnan ang iba pang "Work From Home" Job Opportunities, dito!

Ang "work from home" jobs ay nilikha upang mapagaan ang ating mga buhay at magkaroon ng maraming oras sa ating pamilya. Ang kailangan mo lang ngayong gawin ay hanapin ang iyong kakayahan o skills na sa tingin mo ay mayroon ka, i-develop o i-improve ito, at saka simulan ang pagtuklas sa mga oportunidad na dulot ng "work from home".

Hanggang sa muli!