Gusto mong yumaman, gusto mong mag-travel, gusto mong pumayat. Ang lahat ng ito ay mga uri ng goal sa buhay na hindi mo agad maaabot kung wala kang malinaw na layunin o plano para makuha ito. Ang goal setting ay isang napakamakapangyarihang proseso para sa personal na pagpaplano sa buhay. Ang isang tamang pag-set ng goal ay makakatulong sa iyo sa pag-abot ng iyong mga pangarap o minimithi sa buhay. Ngunit paano ba ang tamang pag-set ng goal sa kahit na ano mang bagay?

The tragedy in life doesn’t lie in not reaching your goal. The tragedy lies in having no goal to reach. - Benjamin E. Mays, American civil rights leader

Ang goals sa buhay ng bawat isa sa atin ay iba-iba at may iba't ibang layunin depende na din sa kagustuhan natin. Halimbawa, nag-iipon tayo para may ipambayad tayo ng tuition fee ng ating anak, o kaya ay may ipambili tayo ng bagong gadget, o pampatayo natin ng isang maliit na negosyo. May ibang goals naman na personal gaya ng pag-aasawa at pagkakaroon ng tatlong anak o kaya ay pumayat o makapagbawas ng timbang. Importante na tama para sa atin ang ise-set nating goal o goals para mabigyan natin ito ng focus. 

Tips in Setting Your Goals

Ang pag-set ng goal ay may kailangang sundin upang madaling makuha ang gusto mo sa huli. Hindi naman ito first step at last step na agad. Ang tamang goal setting ay dumadaan sa isang proseso na tanging ang mga matitiyaga lamang ang nakakatapos nito. Narito ang mga tips kung paano mag-set ng goal sa buhay:
  • Isulat ang goal na nais mong makamit. Isulat sa isang papel, o notebook, o white board, o i-type mo sa cellphone ang nais mong makamit. Importante na lagi mo itong nakikita at nababasa upang maaalala mo siya araw-araw na gawin. Halimbawa, isulat sa mo sa white board na gusto mong bumili ng laptop. Isabit ang white board sa kuwarto mo para sa tuwing gigising ka, ito ang goal mo na gusto mong ma-achieve o matapos. Pwede mo ding gawing wallpaper sa cellphone mo ang goal na pagbili ng bagong laptop.
  • Maging eksakto sa iyong goal. Sabi ng mga professional, kailangang maging precise (o tumpak) at specific (o tiyak) tayo sa ating mga goal sa buhay para focus lamang tayo sa kalalabasan nito sa huli. Halimbawa, kung nais mong magkaroon ng laptop, isama mo sa pagsulat mo sa white board ang brand at specifications ng laptop, at kung kailan ka dapat matapos sa pag-iipon para makabili ka nito, isa o dalawang taon kaya, dapat na eksakto.
  • Himayin sa maliliit na goal ang mas malaking goal. Hindi tayo pwedeng magsimula sa first step at tumalon agad sa last step. Dapat may gawin tayong paraan para makapunta sa last step. Ang solusyon dito ay paghimay o pag-break down sa mas maliliit na goal. Halimbawa, ang presyo ng laptop na gusto nating bilhin ay P35,000. Kung masyadong malaki ito, dapat i-break down natin ito sa kaya nating ipunin. Kung magagawa mong mag-ipon ng P5,000 kada tatlong buwan, makakabili ka ng laptop sa loob ng 21 months o isang taon at 9 na buwan. Sa ganitong paraan, mas masarap sa pakiramdam na matapos ang maliliit na goals para sa ating malaking goal.
  • Maging makatotohanan sa pag-set ng goals. Isipin nating mabuti kung attainable o achievable ba ang ating goal sa loob ng isang panahon. Halimbawa, kaya mo ba talagang ipunin ang P35,000 sa loob ng 21 months? O mag-ipon ng P5,000 kada tatlong buwan, kaya mo ba talagang gawin? Kung ang sweldo mo ay nasa minimum lang, baka kailangang magkaroon ka ng extrang kita para magawa mong makabili ng laptop? Isa pang tanong, kailangan mo ba talaga ng laptop?

May dalawang uri ng goal: ang performance goal at ang outcome goal. Ang performance goal ay yung mga maliliit na gawain natin upang makuha o ma-achieve ang ating goal o mas kilala sa tawag na milestone goals. Ito yung tinawag natin sa itaas na paghimay sa maliliit na proseso. Ang outcome goal naman ay ang end process o yung dahilan kung bakit tayo gumawa ng goal sa una palang, sa itaas, ito yung pagbili mo ng laptop.

Hindi madali ang pag-set ng goal sa buhay. Hindi din ito isang responsibilidad kundi isang disiplina. Tandaan, ang isang tamang pag-set ng goal ay makakapagbigay sa atin ng motivation para ma-achieve o makuha natin mabuti ang isang bagay na matagal na nating nais makamit. May sarili tayong timeline o oras para ma-achieve natin ang mga goal natin sa buhay. Kailangan lang na planuhin nating mabuti ang mga bagay upang maging maayos ang pagkamit natin sa ating mga goal.

Panoorin ang video sa ibaba para sa iba pang impormasyon sa Goal Setting.


Hanggang sa muli!