Ang lahat sa atin ay nais na umangat sa kung ano mang kalagayan meron tayo sa ating buhay. Ang totoo nyan, kahit ang mga mayayaman ay naghahangad din ng ikakataas pa ng kung ano mang mayroon sila ngayon sa buhay nila. Ayon kay Oprah Winfrey,

Be thankful for what you have; you'll end up having more. If you concentrate on what you don't have, you will never, ever have enough.

Sa madaling salita, "hindi rin masama ang pag-unlad", gaya ng sinabi sa lyrics ng isang kanta ng Asin. Dahil kung may pangarap ka, dapat ay abutin mo ito. Pero dapat matuto tayong limitahan ang pag-unlad at maging kuntento, dahil kung hindi, lagi tayong maghahangad ng iba pa dahil hindi pa ito sapat.

>>> Alamin ang gusto ng tao bago ka magtayo ng business, now na!

Tuklasin ang Sariling Kakayahan

Marami na tayong mga napanuod at nabasang mga nagtayo ng kanilang sariling negosyo mula sa hilig nila sa isang bagay. May mga negosyong nagsisimula sa mga hobby o yung madalas lang nilang gawin upang may mapaglibangan o kinalakihan na. Know your craft and improve it, ika nga. Alamin at tuklasin mo ang mga kaya mong gawin at pagyabungin mo pa ito!

Maaaring ilan sa mga alam at kaya mong gawin sa ngayon ay ang pagluluto, pananahi, pag-decorate ng mga kuwarto, o simpleng pagkumpuni ng mga gamit. Alin man sa mga ito ang sinasabing "expert" ka pagdating sa gawaing iyon, ay i-improve mo pa ng husto upang balang araw ay maaari mo itong gawing negosyo.

>>> Importante ang supplier kung magtatayo ka ng negosyo. Tuklasin mo pa ang mga kakailanganin mo sa itatayo mong business. Mag-click lang dito!

Sana ay mapanuod nyo ang episode na ito ng "My Puhunan" upang lalo tayong ma-inspire na pagbutihin pa ang ating craftsmanship o skills upang gawin natin itong negosyo!


Hanggang sa muli!