Tanong. Bukod sa pagkain, ano pa ang isang bagay na pinakamahalaga na dapat ay mayroon ka sa mga panahong ito ng COVID-19? Kung ang sagot mo ay ang pagkakaroon ng ID o Identification Card, ikaw ay tiyak na hindi nagkakamali! Bakit nga ba mahalaga ang pagkakaroon ng ID Card?
Never forget what you are, for surely the world will not. Make it your strength. Then it can never be your weakness. Armour yourself in it, and it will never be used to hurt you. - George RR Martin
Ang ID card o Identification Card ay isang bagay na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan o yung tinatawag nating identity. Kung ang isang tao ay walang pagkakakilanlan, tatlong bagay lamang ang maaaring nangyari sa kanya --- 1) hindi siya ipinanganak, 2) hindi niya nairehistro, at 3) siya ay patay na. Tandaan: hindi kailanman magiging rason ang wala kang pera na pampagawa o pagpaparehistro ng ID card dahil ang lahat ng bagay ay may paraan kung nanaisin lang natin itong mangyari o makamit.
Ngayong panahong ito at higit kailanman, marami na ang nakapagpatunay na ang pagkakaroon ng isang pagkakakilanlan o identification ay isang mahalagang parte ng buhay. Ang pagkakaroon ng kahit na isang Identification card ay mahalaga para sa maraming bagay gaya ng paghahanap ng trabaho, pag-aapplay ng isang negosyo, pagbubukas ng bank account, lalong lalo na sa pagkakakilanlan sa panahon ng krisis.
Mga Uri ng Identification (ID) Cards
Ang mga Identification Cards o ID ay maraming uri at klase na may iba't ibang pinaggagamitan. Karamihan sa mga ito ay nagagamit natin sa pang-araw araw na ating buhay. Ikaw ay nagtatrabaho na, hindi malayo sa iyong kaalaman ang halaga ng isang Identification card. Narito ang ilan sa mga uri ng ID na maaari nyong kunin sa mga sangay ng pamahalaan:Government-Mandated ID
Ang mga government-mandated ID o government IDs ay ang madalas na hanapin sa mga sangay ng pamahalaan kapag tayo ay nag-aapplay ng negosyo o kapag tayo ay naghahanap ng trabaho. Ang mga government IDs ay sinasabing mga pangunahing ID (o primary IDs) na totoo at kapani-paniwala kapag sila ay ginamit. Kapag ito ay iyong ipinakita sa mga naghahanap ng ID sa iyo, malaki ang pagkakataong ikaw ay kanilang tatanggapin o kikilalanin. Ilan sa mga ito ay:
- Philippine Passport o Foreign Passport
- Driver's License na may kasamang official receipt
- Philippine Regulations Commission ID o PRC License
- Social Security System o SSS ID na may larawan at lagda
- Tax Identification Number ID o TIN ID
- Philhealth ID na may Larawan
- PAGIBIG ID
- Senior Citizen IDs
- Green Card (kung ikaw ay isang immigrant)
- National Bureau of Investigation (NBI Clearance)
Secondary IDs
Ang mga secondary IDs ay mga uri ng identification cards na madalas gamitin o kunin kung nais mo lamang magkaroon ng isang identity o pagkakakilanlan. Hindi malawak ang sakop ng mga ito dahil wala ito sa level na pambansa o national level. Mayroon limitasyon ang paggamit nito at hindi mo magagamit sa pangkalahatang transaksyon mo. Narito ang ilan sa kanila:
- Company ID / Student ID
- Postal ID
- Foreign ID with picture issued by the country of origin
- Firearms License
- Voters ID
- Barangay Certificate or Clearance with dry seal
- Police ID / Police Clearance
- POEA ID Card
- OFW Card
Ang mga IDs o Identification cards ay maraming maaaring paggamitan na makakatulong para sa madaliang pag-proseso sa ating mga transaksyon sa negosyo, sa bangko, sa trabaho, o sa pakikipag-usap sa mga ahensya ng pamahalaan. Ang pinakaimportanteng dapat tandaan ay lagi nating ipakita ang mga totoong IDs natin upang makaiwas tayo sa ano mang aberyang maaaring mangyayari dulot ng ating pekeng pagkakakilanlan.
0 Comments